-- Advertisements --

Nais ng mga prosecutor na mas mapabilis na maipakita sa International Criminal Court ang mga testimonya ng ng tatlong testigo upang mapatunayan ang kanilang mga alegasyon laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kanyang anti-illegal drug campaign.

Sa inirelease na filing date noong ika-30 ng Oktubre ni Acting Prosecutor Mame Mandiaye Niang, humiling ang prosecution na gamitin ang testimonya ng tatlong testigo upang mapabilis ang paglilitis sa kaso ni Duterte.

Ipinaliwanag sa dokumentong isinumite ng prosecution kung ano ang posibleng maitutulong ng bawat isa sa tatlong testigo sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Narito naman ang kanya-kanyang impormasyong sa testimonyang ibibigay ang bawat testigo.

  • Testigo P-0004, mga paulit-ulit na pattern o paraan ng pagpatay na iniuugnay sa mga operasyon ng Philippine National Police (PNP).
  • Kung paano isinasagawa ang mga operasyon ng pulisya.
  • Kung paano nagbago ang mga operasyon sa paglipas ng panahon.
  • Mga detalye tungkol sa mga partikular na insidente ng pagpatay na kasama sa mga kasong isinampa.

Sa huling bahagi ng dokumento ay humiling ang prosecution sa hukom ng ICC na aprubahan ang kanilang kahilingan sa paggamit ng testimonya ng tatlong testigo sa kaso ni Duterte.