Hinahayaan na lamang ng Philippine National Police (PNP) ang mga batikos na kanilang natatanggap sa pagtugis nila kay Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na may warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr, na alam niyang ginagawa ng kaniyang kapulisan ang kanilang trabaho at lahat ng makakaya para tuluyang maaresto ang Senador.
May ilang operational secrets na rin silang dapat na hindi malaman ng publiko para hindi mabulyaso ang kanilang operasyon.
Naniniwala din ang PNP chief na mayroong grupo na kumukupkop sa Senador subalit tumanggi nitong banggitin kung sino ang mga ito.
Magugunitang noong Oktubre 30 ng magtapos na ang ultimatum na ibinigay ng PNP sa Senador subalit umaasa pa rin ang mga ito na boluntaryong sumuko para maiwasan ang anumang madugong engkuwentro.















