-- Advertisements --

Kinontra ng grupo ng mga negosyante ang plano ng gobyerno na padaanin na sa EDSA Bus lane ang mga pribadong sasakyan.

Ayon sa Management Association of the Philippines (MAP) na maaring mapadaan lamang ay ang mga sasakyan na mayroong maraming pasahero gaya ng mga school buses at mga point-to-point buses.

Kung kailangan din na ang mga car pooling na mayroong sakay ng hanggang apat na pasahero ay dapat payagan na dumaan sa EDSA busway pero may limitadong oras.

Mahalaga na bigyang prioridad ng gobyerno ang paglalagay ng mas maraming bus sa busway.

Dagdag pa ng grupo na dapat ay damihan pa ng gobyerno ang paglalagay ng mga bus stops kung saan maghihintay ang mga pasahero para sumakay sa bus.

Nanawagan din ang grupo sa Kongreso na dapat ay ibalik sa 2027 budget ng EDSA Busway system.

Hindi kasi naglaan ang Malacañang’s National Expenditure Program ng budget sa 2027 para sa busway system.