-- Advertisements --

Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) na natakasan sila ng puganteng si dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag.

Ayon kay PCol.Allen Rae Co, hepe ng Public Information Office ng PNP, na binirepika lamang ng mga kapulisan sa Ifugao ang ulat na namataan doon si Bantag.

Matapos na maberipika ay napatunayan na wala sa lugar si Bantag.

Nagpapatunay lamang aniya sabi ni Co na walang pinipili ang mga kapulisan sa pag-implementa ng warrant of arrest para maaresto ang isang pinaghahanap ng batas.

Magugunitang kumalat ang balita na namataan sa isang poultry farm si Bantag at ng dumating ang mga kapulisan ay bigla na lamang itong tumakas.

Natitiyak ni Co na tuloy-tuloy ang paghahanap nila kay Bantag.

Magugunitang noong Abril 2023 ng maglabas ng Muntinlupa Regional Trial Court ng warrant of arrest laban kay Bantag dahil sa siya ang itinurong mastermind sa pagpatay sa broadcaster na si Perci Lapid.