-- Advertisements --
Mahigpit na ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr , sa mga kapulisan nito na higpitan ang pagbabantay laban sa mga paglaganap ng mga online scam hubs sa bansa.
Kasunod ito sa pagkakabuwag nila ng online scam hubs sa lungsod ng Pasay nitong araw ng Martes, Nobyembre 3.
Dagdag pa nito na mayroong silang mahigpit na ugnayan sa mga ahensiya para tuluyang masawata ang operasyon ng iba’t-ibang online scams.
Magugunitang naaresto ang 159 na mga Malaysian, Vietnamese, Indonesians at Chinese sa lungsod ng Pasay kung saan ang mga biktima nila ay yung mga nasa ibang bansa.















