-- Advertisements --
Hinamon ni Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte ang administrasyon na ilabas sa publiko ang umano’y warrant of arrest laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa at ipaliwanag ang legal na batayan ng proseso.
Kinuwestiyon ni Duterte ang umano’y paglabag sa due process at inihalintulad ito sa pagkakadala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.
Iginiit ng kongresista na dapat pairalin ang Konstitusyon at Rule of Law sa lahat ng pagkakataon, anuman ang personalidad na sangkot sa kaso. “Rule of law, not rule by force. Show the warrant,” saad ni Duterte.
Hinimok din niya ang mga pulis na huwag magpagamit sa anumang operasyong maaaring lumabag sa karapatan ng mga mamamayan.














