Konektado umano ang nangyaring barilan sa Senado sa pagtakas ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) chief PMaj. Gen. Robert Morico II, magkakaugnay ang dalawang insidente.
Gayunpaman, ayaw muna niyang pangunahan ang pinal na resulta ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ).
Inihayag naman ni Morico na may isang backup pickup vehicle na naghihintay sa labas ng Senado matapos umalis ng gusali si dela Rosa at ang kanyang mga kasama.
Tumatanggi namang magkomento ang opisyal kung “staged” o ginawang dahilan ang pamamaril bilang isang supervening event upang bigyang-katwiran ang pag-alis ng senador.
Sa kasalukuyan, anim na indibidwal ang isinasailalim sa imbestigasyon para sa posibleng paglabag sa obstruction of justice, kabilang si Senador Robin Padilla, na nauna nng inireklamo ng CIDG sa DOJ dahil sa pagtulong umano kay dela Rosa na makatakas.
















