-- Advertisements --

Walang tigil ang Philippine National Police (PNP) sa pagtugis kay Senador Ronald Bato Dela Rosa.

Sinabi ni PNP chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr, na lahat ng mga impormasyon na kanilang nakakalap ay tinitipon para mabilis na maaresto ang puganteng Senador na nahaharap sa kasong crime against humanity mula sa International Criminal Court dahil sa war on drugs noong panahon ni ex-Pres. Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ng PNP Chief na natitiyak niya na nandito pa sa Pilipinas ang senador.

Lahat aniya ng mga malapit na kaibigan at kaanak na laging nakasama ng senador ay kanilang tinutunton para mabilis siyang maaresto.

Una nang kumalat ang balitang naaresto na ang senador na pinabulaanan ng Department of Justice, Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police.