Hindi maihahambing sa mga bayani ang mga aliases na ginamit sa confidential funds.
Tugon ito ni Palace Press Officer USec. Claire Castro sa ginawang paghahambing ni Senator Robin Padilla sa paggamit ng pseudonym ng mga bayani noon at alyas sa mga resibo ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).
Ayon kay Castro, ginamit ng mga bayani ang aliases upang itago ang kanilang pagkakakilanlan habang ipinagtatanggol ang bayan.
Habang ang ilan ay itinatago ang pagkakakilanlan para sa bayad.
Sinabi ni Castro na hindi malinaw kung tunay na tao o “ghost beneficiaries” ang ilan sa mga pangalang nakasaad sa mga resibo.
Samantala, Hindi panghihimasukan ng administrasyon ang naging pahayag ni Senator Padilla.
Iginiit ng Palasyo na karapatan ni Senator Robin Padilla na ipahayag ang kaniyang saloobin kaugnay ng paghahambing niya sa mga bayani at sa isyu ng confidential funds.
Gayunman, sinabi niyang mahalagang maipaliwanag ang katotohanan, lalo na sa mga kabataan, tungkol sa tunay na papel ng mga bayani.
















