-- Advertisements --

Aabot sa 73 katao ang sugatan matapos ang ginawang airstrikes ng Russia sa mga energy facilities at infrastructures sa Ukraine.

Sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy , tinarget ng Russia ang clinical hospital na karamihan ay mga sibilyan na nagpapagamot.

Dahil sa pag-atake ay nagtamo ng matinding pinsala ang pagamutan sa Kharkiv.

Dagdag pa ni Zelensky na ang pangunahing target ng Russia ay kanilang energy facilities na matatagpuan sa iba’t-ibang lugar.

Itinuturing nito ng Ukraine President na ang pag-atake na ito ng Russia ay malawakan at madugo.

Kinumpirma rin ito ng Russia kung saan ilang daang libong mga residente sa Ukraine ang nawalan ng suplay ng kuryente.

Tiniyak naman ni Zelensky na gagantihan nila ang mga nasa likod ng pag-aatake.