Inaprubahan ng United States ang pagbebenta ng 500 PAC-3 Patriot interceptor missiles na nagkakahalaga ng $2.1 bilyon upang tulungang ipanggol ang Ukraine laban sa lumalalang aerial attacks ng Russia.
Ayon sa US State Department, ganap na popondohan ng mga alyado ng Kyiv sa Europa at Canada ang naturang pagbili sa pamamagitan ng JUMPSTART program at Ukraine Support Loan ng European Union.
Gayunpaman, nagbabala si Ukrainian President Volodymyr Zelensky na maaaring aabutin pa ng ilang taon bago makarating ang mga munisyon dahil sa mahabang panahon ng produksyon at pandaigdigang shortage nito.
Inilarawan ni Zelensky na nangangailangan ang Ukraine ng mga missiles “right now” lalo na’t pinalalakas ng Russia ang mga pag-atake sa kanilang energy infrastructure bago sumapit ang taglamig.
Bumuti naman ang tensyon sa pagitan ng Washington at Kyiv matapos magkaroon ng pag-uusap ang magkabilang panig sa Oslo noong Oktubre 20 kasunod ng mga naunang pahayag ukol sa negosasyon at sanksyon sa Russia.
Samantala, nagprotesta ang mga Europeong diplomat sa ginanap na G20 foreign ministers’ meeting sa Atlanta kung saan tumanggi silang tumayo kasama si Russian Foreign Minister Sergei Lavrov para sa opisyal na larawan.













