Nagpadala ang El Salvador ng mahigit 2,000 na sundalo sa Haiti bilang bahagi ng misyon para iligtas ang apat nilang kababayan na naiulat na nawawala.
Kinausap mismo ni El Salvador President Nayib Bukele si Haitian Prime Minister Alix Didier Fils-Aime ukol sa nasabing mission.
Tutulong din ang mga sundalo para magpatupad ng seguridad sa Haiti laban sa mga gangs.
Tumaas ang tensiyon ng dalawang bansa dahil sa nangyaring pagkawala ng apat na air force technicians na nagtatrabaho bilang bahagi ng anti-gang organization sa Haiti.
Pabalik na ang apat na sundalo kasama ang Gang Suppression Force (GSF) sa kanilang base ng bigla silang inambush at dinukot.
Wala pang grupo na umako sa nasabing insidente.
Ang malawakang operations ay suportado ng iba’t-ibang bansa at ilang international organizations.
















