-- Advertisements --

Inakusahan ng Iran ang US dahil sa bigong magbigay ng seguridad sa mga bansa sa rehiyon.

Ayon sa Iranian top security chief Mohsen Rezai na ang bigong pagbigay ng seguridad ng US ay malinaw na banta na rin sa bawat bansa.

Mahalaga na ang seguridad sa West Asia ay magmumula sa nasabing mga rehiyon at hindi manggagaling sa anumang bansa.

Magugunitang makailang ulit ng nanawagan ang maraming bansa na dapat ay tigilan na ng US at Israel ang pag-aatake.

Iginiit ng Iran na hindi sila patitinag sa anumang banta na ito ng US.