-- Advertisements --

Binatikos ni US President Donald Trump ang naganap na halalan sa Brazil.

Sinabi ng US President na nagkaroon ng dayaan kaya nagwagi bilang pangulo ng Brazil si Luiz Inacio Lula da Silva.

Natalo kasi ang pambato ni Trump na si Flavio Bolsonaro.

Kapag manalo sana si Bolsonario ay tiyak na magkaroon ng malaking papel ang mga conservative Latin American leaders na nagbabalak na maupo sa posisyon sa US.

Si Flavio Bolsonaro ay 45-anyos na anak ng dating pangulo na si Jair Bolsonaro.

Giit ni Trump na malinaw ang malawakang pandaraya kaya labis itong nagulat sa nasabing resulta.

Magugunitang nakakuha ng 51.8 percent na boto ang incumbent na pangulo na si Lula habang si Flavio ay nagkamti lamang ng 48.2 percent.

Iniimbestigahan ang 45-anyos na Senador na si Bolsonaro dahil sa umanoy kurapsyon at money laundering sa financing ng biopic ng tungkol sa kaniyang ama.