Natapos na ang kampanya ni Pinay tennis star Alex Eala sa Pan Pacific Open sa Japan.
Ito ay matapos na talunin siya sa quarterfinals ni Diana Shnaider sa score na 2-6, 7-(6), 6-4.
Sa unang set ay dominado ng Russian tennis player ang laro at pagpasok ng ikalawang set ay gumanti ang Pinay tennis star.
Sa ikatlong set ay pinilit pa ni Eala na maipanalo ang laro subalit lubhang naging mahigpit ang ginawang pagbabantay ng Russian tennis star.
Itinuturing ni Shnaider na ang laro ngayon kay Eala ay parang nasa finals na dahil sa parehas nilang ipinakita ang kanilang galing.
Ito na ang pangalawang sunod na pagkatalo ni Eala kay Shnaider na unang tinalo siya sa Ningbo Open.
Inaasahan naman na babawi si Eala sa susunod na linggo para sa pagsabak niya sa WTA 250 Hong Kong Open na ito na ang huling WTA tournament niya ngayong taon.















