-- Advertisements --

Pasok na sa quarterfinals ng Toray Pan Pacific Open si Filipina tennis star Alex Eala matapos talunin ang Australian player na si Talia Gibson sa tatlong set, 4-6, 6-2, 6-0, sa Round of 16 ng torneo.

Nahirapan si Eala sa unang set matapos ang dikitang laban, ngunit nakuha ito ni Gibson sa iskor na 6-4. “The firs set was difficult and i have my chances so, I knew that if I kept my concentrations I would have more chances,” saad ni Eala.

Agad namang bumawi ang Pinay tennis star sa ikalawang set, unti-unti niyang nakontrol ang laro at ipinamalas ang mas agresibong performance, kabilang ang mga service ace, upang maipanalo ang set sa iskor na 6-2.

Sa deciding third set, tuluyan nang nanaig si Eala matapos dominahin ang laro at hindi makapuntos si Gibson. Tinapos niya ang laban sa 6-0 na iskor upang makasiguro ng puwesto sa quarterfinals.

Matapos ang laban, nagpasalamat si Eala sa mga Pilipinong nagtungo sa Japan upang personal siyang suportahan. Nangako rin siyang muling makikita ang kanyang mga tagahanga sa susunod na yugto ng torneo.