-- Advertisements --

Patuloy ang magandang kampanya ni Pinay tennis star na si Alex Eala matapos niyang dominahin si British player Mika Stojsavljevic sa straight sets, 6-1, 6-1, sa Round of 32 ng Toray Pan Pacific Open WTA 500 noong Oktubre 26.

Dahil sa panalo, umusad si Eala sa Round of 16 ng torneyo, kung saan makakaharap niya ang 22 year old na Australian tennis player na si Talia Gibson, na kasalukuyang nasa World No. 38.

Hindi na bago kay Eala ang makaharap si Gibson, dahil dalawang beses na silang nagtagpo sa mga nakaraang torneo noong 2023 at kapwa nagtapos sa panalo ng Filipina.

Unang tinalo ni Eala si Gibson sa iskor na 6-3, 6-1 sa W40 Palma del Rio sa Spain noong Hunyo 2023. Muli niya itong nakaharap at tinalo sa W25 Aldershot sa England, tatlong set sa score na 4-6, 6-4, 6-3.