-- Advertisements --

Magtatambal sina Filipina tennis star Alex Eala at American doubles specialist na si Desirae Krawczyk sa Round of 16 ng 2026 Toray Pan Pacific Open sa Tokyo, Japan.

Haharapin ng tambalan sina Miyu Kato ng Japan at Hao-Ching Chan ng Taiwan sa Oktubre 27, ganap na alas-10 ng umaga, oras sa Pilipinas, sa Ariake Coliseum.

Kasalukuyang nasa world No. 32 sa doubles rankings si Krawczyk, na nakamit ang pinakamataas niyang ranggo na No. 7 noong Agosto 19, 2024, may 13 doubles titles na rin siya sa WTA Tour

Ang mananalong koponan ay uusad sa quarterfinals ng torneo.