-- Advertisements --
Kinumpirma ng singer na si Klarisse De Guzman ang pagpanaw ng kanyang ina na si Esnobie de Guzman sa Facebook post noong Oktubre 24.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Klarisse ang matinding pagmamahal at pangungulila sa kanyang ina, habang hiniling na yakapin na lamang siya nito para sa kanyang yumaong ama.
“Mahal na mahal kita, Mama ko. Iyakap mo na lang ako kay Papa ah. Mahal na mahal ko kayo,” saad ng mang-aawit.
Naging mahalagang bahagi ng buhay ni Klarisse ang kanyang ina, na nagsilbing sandigan at patuloy na sumuporta sa kanya sa mga personal na pagsubok at mahahalagang yugto ng kanyang karera sa musika.









