Bumuwelta ang TV host-comedian na si Vice Ganda sa isang netizen na nag-akusa sa kanya ng pagpagiging “shade” umano nito sa mga naiwang celebrity housemates.
Ayon sa netizen, tila may pinatatamaan na ibang housemates si Vice matapos ma-evict ang magka-duong sina Klarisse de Guzman at Shuvee Etrata.
Matapos lumabas ni Klarisse mula sa isang reality show, nag-post si Vice sa kanyang X account (dating Twitter) ng mensahe para kay Klarisse, na nagpapahayag ng pag-suporta at paghanga sa talento ng singer.
Sinabi pa ni Vice na nararapat lamang na mas makilala pa si Klarisse at maibigay sa kanya ang nararapat na suporta sa pamamagitan ng pag-produce ng isang concert para sa singer.
Sa kabila ng positibong mensahe, isang netizen ang nagkomento ng “May shade talaga?!” at tinanong si Vice kung kailangan pang ipahayag ang mga ganitong bagay.
Ayon pa sa netizen, hindi naman lahat ng housemates ay perpekto, at may mga taong nagsusumikap na itama ang kanilang mga pagkakamali.
Sinagot ni Vice ang komento ng netizen at tinanong, “San galing ang tweet mo? Sinong shinade ko?” at “Alam mo ba ung shade? Yung totoo? Naunawaan mo ba ung tweet?” Inisip ng TV host-comedian na hindi naintindihan ng netizen ang kanyang pahayag.