-- Advertisements --
Inilabas na ang listahan ng unang batch ng mga pelikulang kalahok para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026.
Pinangunahan ito ng pelikulang “The Greatest Showdown” na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Vic Sotto.
Kasama din ang fantasy drama na “Amir” na pinagbibidahan naman nina Dennis Trillo, Will Ashley, Glaiza De Castro at ang child star na si Argus Aspiras.
Napili rin ang pelikulang “2nd Miracle In Cell No. 7” na pinagbibidahan ni Aga Muhlach.
Ang huling pelikula na kasama sa first batch ay ang “Haunted Carnival” na pinagbibidahan nina John Arcilla, Julia Barretto at Maricel Soriano.
Sa buwan pa ng Oktubre iaanunsiyo ang ikalawang batch ng nasabing pelikula.
Napiling host cities para sa MMFF 2026 ang Mandaluyong, San Juan at Bacolod.
















