-- Advertisements --

Nakiusap ang aktor na si Dennis Trillo na tigilan na ang pamba-bash laban sa kapwa aktor na si Patrick Garcia.

Sa kaniyang social media account nanawagan ito sa mga fans na magpakalat na lamang ng good vibes at sa halip na magpuna.

Dagdag pa nito na magmahalan na lamang dahil “past is past” kung saan magpapasko na at kawawa ang mga bata.

Magugunitang lumabas ang panayam kay Patrick Garcia ng talent manager na si Ogie Diaz ukol sa ugnayan nila ng 18-anyos na binatang anak nitong si Jazz mula sa dating asawa na si Jennylyn Mercado kung saan napag-usapan ang pagbibigay nito suporta sa anak nito.