Tila hindi lang sa mga normal na tsuper at motorista naramdaman ang sunod-sunod na serye nang pagtaas ng produktong petrolyo sa bansa dahil ramdam narin ang epekto nito ng mga kilalang personalidad.
Sa Facebook post ni Dennis Trillo, ibinahagi niya ang kanyang reaksiyon matapos pumunta sa gasolinahan, aniya “10k na pala magpa-full tank ngayon? Whew.. Sana temporary lang ito.”
Habang si Shaira Diaz naman ay nag-post din sa social media habang idinedokumento ang kanyang huling pagpapagasolina “Another day, another aray sa gasolinahan. Pataas nang pataas na nga ni. Sana bumalik na sa dati, jusko,” caption niya.
Sa kanyang maikling vlog, sinabi ni Shaira na sa kanyang huling pagpunta sa gasolinahan, halos gumastos siya ng P7,800 para sa isang full tank.
Ngayon, nagbayad siya ng P5,344.92 kahit kalahating puno lang ang kanyang tangke. “Hinahabol ko kasi ‘yung presyo. Baka sumobrang pataas ng pataas na kasi ‘di natin alam kung kailan tataas o kung bababa,” paliwanag niya.
Dagdag pa niya, nag-alala siya nang malaman na tumaas ang presyo ng diesel ng P13 noong araw na iyon, lalo na sa kanyang araw-araw na biyahe mula Las Piñas patungong Quezon City. “Oh my gosh! Kaya pala inabot ng 5,000 para ma-full tank ‘to. Grabe,” saad pa ni Shaira.
Ayon sa mga eksperto, ang pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa ay dulot ng pabagu-bagong pandaigdigang merkado ng langis, na naapektuhan ng digmaan sa Middle East.
















