Sisimulan ngayong araw, Oktubre 3, ang utay-utay o installment na taas presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).
Ayon sa Department of Energy (DOE) mayroong P10 sa kada kilogram ng LPG o katumbas ng dagdag na P110 sa kada 11 kilogram cylinder na LPG.
Sa darating naman na Oktubre 10 ay mayroong P5 sa kada kilogram o katumbas na dagdag na P55 sa kada 11 kg. na cylinder ng LPG.
Mayroon ding dagdag na P3 sa kada kg. o katumbas ng P33 dagdag sa kada 11 kg. cylinder ng LPG na ito ay ipapatupad sa darating na Oktubre 17.
Sinabi ni LPG Marketers Association founder Arnel Ty kaya nila isingawa ang nasabing installment na pagtaas ng presyo ng LPG ay para hindi mabigla ang mga consumers.
Naging malaking dahilan ng pagtaas ng presyo ng LPG ay ang patuloy na kaguluhan sa Gitnang Silangan.
















