-- Advertisements --

Asahan ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong langis sa unang linggo ng Nobyembre.

Base sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) mayroong hanggang P0.80 hanggang P1.00 na bawas sa kada litro ng diesel.

Habang ang gasolina ay mayroong mula P2.00 hanggang P2.20 na pagtaas sa kada litro at wala namang inaasahang paggalaw sa presyo ng kerosene.

Sa araw ng Lunes malalaman kung magkano ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo na kadalasang ipinapatupad tuwing araw ng Martes.