-- Advertisements --
Nagkamit ng upset na panalo si Filipino rising boxing star Carl Jammes Martin laban kay dating world title challenger David Picasso ng Mexico.
Nakamit nito kasi ang split decision sa loob ng 10 round fight kung saan mayroong 94-95, 95-94 at 96-93.
Ito na ang kaniyang pang-29 panalo at wala pang talo na mayroong 21 knockout at nakamit ang WBC silver featherweight title sa laban na ginanap sa Kingdom Arena sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ang 27-anyos na si Martin ay tubong Lagawe, Ifugao kung saan napatumba pa nito sa ika-walong round si Picasso.
Si Picasso ay mayroong 33 panalo, dalawang talo at isang draw na mayroong 18 KO.













