Dinomina ng ilang mga Filipino asrtist ang 2025 Asian Academy Creative Awards (AACA) tulad nina Dennis Trillo at Piolo Pascual bilang best actor sa kani-kanilang mga kategorya.
Kung saan nominado at itinanghal bilang Best Actor in a Leading Role si Dennis para sa ”Green Bones,” habang si Piolo naman ay Best Actor in a Supporting Role para sa ”The Kingdom.”
Gayundin ang aktres na si Jodi Sta. Maria na pinarangalan ng Best Actress in a Leading Role para sa kanyang pagganap sa ”Untold,” habang si Dimples Romana naman ay nanalo ng Best Actress in a Supporting Role para sa ”The Caretakers.”
Ang Best Adaptation of an Existing Format (Scripted) naman ay napunta sa ”Saving Grace” na pinagbibidahan ni Julia Montes.
Ilan pang mga Filipino na nanalo sa iba’t ibang kategorya ay sina Jay Abello para sa Best Cinematography sa ”Beauty Empire,” at ang ”The Voice Kids” para sa Best Adaptation of an Existing Format (Non-Scripted).
Nabatid na ang AACA ay gaganapin sa Capitol Theatre sa Singapore sa darating na Disyembre 3 at 4, kung saan maglalaban-laban ang mga celebrity artist na nanalo mula sa iba’t ibang bansa sa Asia-Pacific.
‘Wagi din ang ilang iba pang mga Pinoy series sa Best Drama Series, Best Feature Film, at Best Comedy Program gayundin ang Best Children’s Program.
Kaugnay nito maglalaban sa regional competition ng AACA ang mga Pinoy talents na magbibigay-pugay sa pinakamahusay na mga nilikhang pelikula at pang-telebisyon sa Asia-Pacific.