-- Advertisements --

Nakamit ng aktres na si Maris Racal ang kaniyang kauna-unahang Best Actress award.

Sa kaniyang social media account ay ibinahagi ng aktres ang larawan habang hawak ang Best Lead Performance of 2025 ng Society of Filipino Film Reviewers.

Kinilala ito sa kaniyang paggana sa pelikulang “Sunshine” sa 6th Pinoy Rebyu Awards.

Pinasalamatan niya ang mga award giving body kung saan sinabi niyang ito ay especial sa kaniya.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kaniyang mga kaibigan at kasamahan sa showbiz.