Ibinahagi ng OPM singer na si Rico Blanco na bukas pa rin siya sa ideya ng pag-aasawa at pagbuo ng bagong relasyon, basta’t tamang tao ang kanyang makikilala.
Sa isang panayaw ni Tito Boy Abunda, sinabi ni Rico na noong una ay inakala niyang tatanda siyang mag-isa, ngunit nagbago ito matapos ang ilang naging relasyon.
Aminado siya na sa kasalukuyan ay single siya, ngunit hindi niya isinasara ang posibilidad ng muling pag-ibig.
Giit niya, kung sakaling magpapakasal siya, kailangang ito ay sa tamang tao at hindi dahil sa pressure o obligasyon, lalo na sa kanyang edad ngayon.
Dagdag pa ni Rico, nauunawaan ng kanyang pamilya ang kanyang sitwasyon at hindi siya pinipilit na magpakasal.
Matatandaang ang huling naging relasyon ng singer ay kay aktres Maris Racal, na nauwi sa kanilang paghihiwalay noong Hulyo 2024.
Sa parehong panayam, ibinahagi rin niya ang natutunan niya sa mga nakaraang relasyon—na dapat ibigay ang buong sarili sa pagmamahal upang walang pagsisisi, kahit pa mahirap muling magsimula pagkatapos ng heartbreak.
















