Ginunita ni Rico Blanco ang kaarawan ng kanyang yumaong kapatid na si King sa pamamagitan ng pagdalaw sa puntod nito noong Martes, Agosto 19, na sana’y ika-51 kaarawan ni King.
Sa kanyang Instagram post noong Miyerkules, ibinahagi ng singer-songwriter ang emosyonal na karanasan ng unang pagkikita nila ng pamangking si Baby Reina, na anak ni King.
“On your first birthday in heaven, I finally met your beautiful baby Reina,” saad ni Rico, kalakip ang ilang litrato ng kanilang pagbisita.
Makikita rin sa post si Rico na sinundo ang isa pa niyang pamangkin mula sa paaralan at masuyong pinagmamasdan ang natutulog na sanggol.
“So many emotions. Still so many questions. I miss you so much, King,” emosyonal niyang pahayag.
Matatandaan na pumanaw si King, na ang tunay na pangalan ay Rey, noong Mayo 14 matapos ang laban sa cancer.
“Farewell, King. Thank you for bringing us so much love and so much joy. Kuya loves you so much,” dagdag ni Rico sa kanyang tribute.