Inamin ng aktres na si Maris Racal na may mga pagsisi siya sa mga naging karelasyon niya sa past, at ngayon ay pinipiling manatiling single upang bigyang puwang ang sarili sa personal grow.
Sa panayam ni Karen Davila noong Hulyo 3, matapos ang pagtatapos ng kanyang series, sinabi ni Maris na hindi pa siya handang pumasok muli sa isang relasyon.
“I feel like I need to give myself some space to grow and to really process everything,” ani Racal. “I don’t know, but that’s what I’m saying now,” dagdag ng aktres.
Matatandaang na-involve si Maris sa cheating scandal kasama ang co-star na si Anthony Jennings noong Disyembre 2024, kasunod ng kanyang breakup kay Rico Blanco noong Hunyo ng parehong taon.
Pagdating sa tanong kung may pinagsisisihan ba siya sa mga naging relasyon nito, matapang na sagot ni Maris na, “Yes, that’s an easy yes for me… but I would like to keep those to myself.”
Ibinunyag din ng aktres na dumaan siya sa punto na nais na niyang talikuran ang showbiz career.
“I really wanted to give up… Was it worth it? Is this worth my peace?” aniya. Ngunit aniya, saglit lamang iyon at agad siyang bumangon upang harapin ang problema.
Nahanap niya ang lakas mula sa kanyang sarili, pamilya, kaibigan, panalangin, at therapy.
Emosyonal din niyang ikinuwento ang pag-uusap nila ng kanyang ina.
“I told her, ‘Whose daughter am I? Am I not your child? Aren’t you a strong person?’… ‘You’re a fighter, right? I am also a fighter because I take after you.’”
Malaking bahagi rin sa kanyang pagbangon ang pagmamahal niya sa kanyang trabaho at pangarap.
“I love my dreams, I love my job… I will do anything to make my dreams come true,” saad ng aktres.
Bilang si ”Gab Rivera” sa kanyang series, ipinamalas ni Maris ang husay sa pagganap bilang isang undercover agent.
Siya rin ang bida sa ”Sunshine,” isang pelikulang idinirek ni Antoinette Jadaone na ipapalabas sa bansa sa Hulyo 23. Kinilala ang pelikula sa mga international film festivals kabilang ang Berlin, Palm Springs, at NY Asian Film Festival ngayong buwan.