-- Advertisements --
Mangunguna ang grupong SB19 sa Bicol Loco Hot Air Balloon and Music Festival ngayong buwan.
Makakasama nila ang OPM icon na si Rico Blanco, Zack Tabudio, Dwta, Earl Agustin, Hev Abi, Fred Engay, Rise High at Never The Stranger.
Kabilang din ang mga Korean artists na sina Kim Ji Soo at Kim Won Shik.
Magaganap ang nasabing konsiyerto sa darating na Hunyo 14 at 15 sa Legazpi Festival Grounds sa Albay.
Magugunitang katatapos lamang ang dalawang gabing sold out concert ng SB19 nitong Mayo 31 at Hunyo 1 kung saan nakatakda rin silang magsagawa ng world tour sa 18 lungsod ng Asya, Pacific, Middle East at North America.