Binigyan ng pagkilala sa Senado ang P-pop kings na SB19.
Pinangunahan ni Senator Bam Aquino ang pagpasa ng Senate Resolution 545 bilang pagkilala sa grupo dahil sa makasaysayang pagtanghal nila sa Lollapalooza music festival sa Chicago.
Sinabi ng Senador na ilang taon ang pagtitiyaga ganun din ang sakripisyo at paniniwala sa sariling tunog ang siyang nagdala para makilala ang grupo sa ibang bansa.
Inalala pa ni Senator Aquino ang ilang mga unang kanta ng grupo noong 2019 na “Go Up”, na sinundan ng mga kantang “Gento”, “Bazinga” at “Crimzone”.
Noong Hulyo 30 ay nagtanghal ang SB19 sa Chicago na sila ang kauna-unahang Pinoy na lumabas sa Lollapalooza.
Una na ring binigyang kilala ng Senado ang P-pop girl group na BINI matapos ang kanilang makasaysayang pagtatanghal sa Coachella Valley Music and Arts Festival sa California noong Abril.















