-- Advertisements --

Itinanggi ni impeachment Defense Spokesperson Michael Poa na sumang-ayon siya sa pahayag ni Paolo Panelo na “Lokohan” ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Aminado si Poa na nasaktan siya nang madawit ang kaniyang pangalan sa naturang isyu, dahil aniya, wala siyang kinalaman sa pahayag.

Sinabi ni Poa na personal niyang kinompronta si Panelo upang linawin ang insidente.

Ipinaliwanag umano ni Panelo ang kaniyang panig at tiniyak na hindi na ito mauulit.

Ayon kay Poa, tinatanggap niya ang paliwanag ni Panelo.

Si Panelo ang bagong spokesperson ni VP Sara, habang si Poa naman ang tagapagsalita ng impeachment defense team.