Pumirma sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang DA-MIMAROPA at DPWH para sa pagpapatupad ng 29 na farm-to-market road (FMR) projects na nagkakahalaga ng P430 milyon sa buong rehiyon nitong Setyembre 28.
Layunin ng dalawang ahensya na mapaganda ang koneksyon ng mga sakahan patungong pamilihan sa pamamagitan ng maayos na pagpapatayo ng mga kalsada.
Ayon sa DA-MIMAROPA, malaking tulong ang mga FMR sa mga magsasaka upang mas mabilis at mas madali nilang maibenta ang kanilang mga ani sa merkado.
Titiyakin din ng dalawang tanggapan na nasusunod ang mga tamang pamantayan sa teknikal at kalidad ng paggawa ng mga kalsada.
Ipapasa ang pondo sa DPWH sa hindi bababa sa tatlong tranches batay sa project milestones at pagkatapos suriin ang mga kinakailangang report para sa maayos na pagmamanman.
Ang mga proyekto ay popondohan sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) ng DA para sa Fiscal Year 2026.
















