Inihayag ni dating Aenator Antonio Trillanes IV na maaaring magkaroon ng mas malawak na implikasyon sa mga Mayor sa bansa ang testimonya ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte kaugnay ng pakikipagtransaksyon ng mga lokal na pamahalaan sa kumpanyang may kaugnayan sa kanilang mga kamag-anak.
Ayon kay Trillanes, maaaring maging halimbawa ang naging pahayag ni Baste na hindi niya alam ang business interest ng kaniyang kapatid na si Vice President Sara Duterte sa Gencorp industries Inc.., na nakakuha ng 19 kontrata mula sa Davao City government.
Sa impeachment trial, kinumpirma rin ni Baste na kilala niya si businessman Jaime Cruz, na tinukoy niyang kaibigan ng kaniyang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte, at business associate niya sa isang kumpanya.
Samantala, dumalo si Trillanes sa Senado habang tumetestigo si Baste at sinabing handa siyang tumestigo sa impeachment trial.
Nauna nang tinukoy ng House Prosecution panel si Trillanes bilang posibleng testigo kaugnay ng mga bank transactions at financial records na sinasabing may kaugnayan sa Duterte family.
Patuloy namang inihaharap ng prosecution ang kanilang ebidensiya para sa Article II ng impeachment complaint, na tumatalakay sa umano’y unexplained wealth, mga isyu sa saln at patuloy na business interests ni VP Sara habang nasa puwesto.
















