-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Senate Impeachment Court na kanilang kinansela ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa araw ng Miyerkules, Setyembre 30.
Sa inilabas na advisory na pirmado ni clerk of court Atty. Renato Bantug, na isasagawa na lamgn ito sa araw ng Huwebes, Oktubre 1 ng alas-10 ng umaga.
Sinabi naman ni impeachment court spokesperson Atty. Reginald Tongol, na ang trial ay “aggresively ahead of schedule”.
Dagdag pa nito na ang pagpapaliban ay isang uri ng strategic procedural pause na itinalaga para magkaroon ng klaro sa magkabilang panel at makapaghanda sila sa buong marathon sessions mula Oktubre 1 hanggang 15.
















