Inihayag ni Vice President Sara Duterte na nasa kapangyarihan ni President Ferdinand Marcos Jr ang desisyong pagkalooban ng absolute pardon si Mary Jane Veloso.
Dagdag ni Duterte na maaaring magbigay ng Executive Clemency ang pangulo matapos suriin ang kaso at isaalang-alang ang rekomendasyon ng Board of Pardons and Parole.
Hindi na nagbigay ng karagdagang komento si Duterte tungkol sa detalye ng kaso ni Veloso at nilimitahan ang kanyang pahayag sa constitutional authority ng pangulo na magbigay ng pardon.
Kinumpirma naman ni Marcos na nilagdaan niya ang absolute pardon ni Veloso.
Nauna nang sinabi ng Malacañang na seryosong pinag-iisipan ng pangulo ang pardon sa humanitarian grounds.
Si Veloso ay nahatulan ng death penalty sa Indonesia matapos ma-convict sa drug trafficking.
Nailipat siya sa kustodiya ng Pilipinas noong disyembre 2024 matapos ang kasunduan ng dalawang bansa, habang patuloy niyang iginiit na Hindi niya alam na may illegal drugs sa kanyang bagahe.















