-- Advertisements --

Ganap nang batas ang panukalang pagsasaayos ng termino ng mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12326.

Sa transition period, itinuturing na isang buong term ang dagdag na dalawang taon sa panunungkulan ng mga incumbent barangay officials.

Dahil dito, ang mga kasalukuyang opisyal na nasa kanilang last term sa parehong posisyon ay hindi na maaaring tumakbo sa parehong posisyon sa November 2028 Barangay at SK elections.

Gayunman, hindi exempted ang mga incumbent officials sa mga nakabinbin o bagong administrative, civil, o criminal cases at iba pang pananagutan habang sila ay nanunungkulan.

Agad na magkakabisa ang RA No. 12326 matapos itong mailathala sa Official Gazette o sa isang pahayagang may malawak na sirkulasyon.