-- Advertisements --
Arestado ang halos 244 foreign nationals, na karamihan ay mga Chinese, sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad laban sa umano’y ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) activities sa Siay at Alicia, Zamboanga Sibugay.
Ayon sa tala ng Bureau of Immigration, aabot sa 113 na dayuhan ang nahuli sa Siay, habang 131 naman ang inaresto sa Alicia.
Nakumpiska rin sa operasyon ang tinatayang 3,000 mobile phone, 78 computer monitor, mga laptop at SIM card na pinaniniwalaang ginagamit sa illegal online operations.
Patuloy ang imbestigasyon kaugnay ng posibleng paglabag sa immigration laws, ilegal na operasyon ng POGO at human trafficking.















