-- Advertisements --

Ipinaliwanag ng Bureau of Immigrations (BI) ng pagkakaroon ng special Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) lanes sa mga paliparan.

Ayon kay BI spokesperson Anisha Hadji Hassan, na ang nasabing mga special lanes ay para na rin sa mabilis na pagbiyahe ng mga pasahero.

Dagdag pa nito na ito ay para magkaroon ng maganda at epektibong pagproseso sa mga delegates.

Layon din ng paglalagay ng nasabing lane ay para hindi na maistorbo ang pagproses sa mga regular nilang pasahero habang ginaganap ang ASEAN Summit.

Inaasahan kasi nila ang pagdami ng mga pasahero habang papalapit na ang Nobyembre 15 hanggang 17.

Dahil dito ay mahalaga ang pagkakaroon ng operationa arrangement.

Mula pa noong nakaraang araw ay ipinatupad na nila ang heigthened alert status.