-- Advertisements --
Nagdulot ng emergency response ang banggaan ng isang tanker at cruise ship sa Mississippi River malapit sa Port of New Orleans sa Louisiana, United States.
Naganap ang insidente dakong alas-12:30 nang sumalpok ang Atlantic Asphalt tanker sa American Heritge ng American Cruise Lines habang nakadaong ito sa ilog.
Agad na rumesponde ang Coast Guard, pulisya, bumbero at medical personnel upang iligtas at bigyan ng paunang lunas ang mga pasahero at tripulante, dinala ang mga ito sa Port of New Orleans Administration Building para sa pagsusuri at kinakailangang assistance.
Patuloy ang operasyon at imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.









