-- Advertisements --
Inaasahan ng Commission on Elections (COMELEC) na aabot sa 3M ang mga bagong botante na magpaparehistro sa muling pagbubukas ng voter registration sa Nobyembre.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, target ng poll body na umabot sa tinatayang 74 milyon ang kabuuang registered voters pagsapit ng 2028 mula sa kasalukuyang nasa 71 milyon.
Kasabay ng voter registration, tatanggap din ang COMELEC ng aplikasyon para sa transfer of registration, correction of entries at reactivation ng deactivated voters.
Hinikayat din ang mga kabataang magiging 15 anyos na magparehistro para makaboto sa Sangguniang Kabataan elections.
















