-- Advertisements --

Aabot sa 49 na mga menor-de-edad ang matagumpay na nasagip ng Philippine National Police (PNP) mula sa mga tinatawag na cyber threat o mga bantang nagmumula sa internet.

Batay ang nasabing bilang sa opisyal na datos ng pambansang pulisya nitong nakalipas na buwan ng Setyembre.

Isinagawa ang operasyon at pagsagip matapos ang nangyaring sunod-sunod na insidente ng karahasan sa loob ng mga paaralan.

Matatandaang itinuturong isa sa mga pangunahing dahilan nito ay ang impluwensya ng internet.

Ayon kay PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy ang kanilang pag-aksyon at pagbabantay upang maprotektahan ang mga kabataan sa cyberspace.

Tiniyak din nito na gagawin nila ang lahat upang tuluyang matuldukan ang ganitong mga insidente at mapanatiling ligtas ang mga mag-aaral.