Inihayag ng Department of Information and Communications Technology na sila’y naka-heightened alert bukas kasabay ng mga inaasahang kilos-protesta laban sa korapsyon.
Ayon sa kasalukuyang kalihim ng kagawaran na si Sec. Henry Rhoel Aguda, mananatiling nakalagay sa heightened alert ang status nila sa darating na linggo.
Paliwanag niya’y ito’y upang mabantayan maigi ng kagawaran ang anumang ‘online harm’ o ‘online threat’ na posibleng pagmulan at makaapekto sa isasagawang mga rally.
Kanyang sinabi na ang paghahandang ito ay siyang pawang katulad noong halalan katuwang ang Commission on Elections.
Nakabantay aniya sila maigi lalo na sa ‘digital space’ matiyak lamang na magiging payapa at maayos ang idaraos na mga kilos protesta kontra sa maanomalyang flood control projects.
Habang ibinahagi ni Secretary Aguda na kanilang hindi tinutulan ang demokratikong pamamahayang ng taumbayan ng kani-kanilang mga saloobin hinggil sa isyu.
Kaya’t patuloy din aniyang aktibo ang isinasagawang pagbabantay maging ng Threat Monitoring Center ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center lalo na para bukas.
Gayunpaman, positibong ibinahagi ng kalihim na sa ngayon ay wala pa silang nakikitang malaking banta o online harm at threat kaugnay sa isasagawang mga kilos protesta.
Base sa monitoring nito sa mga social media platforms, kapayapaan naman raw ang karamihan at kadalasang panawagang nakikita online.