-- Advertisements --

Hindi pinagsisihan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III sa kanyang ginampanang papel sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Torre, ang kanyang ginawa ay bahagi lamang ng tungkulin bilang opisyal ng batas at walang halong personal na motibo.

Si Torre, na dating hepe ng Philippine National Police bago italaga sa MMDA noong Disyembre 2025, ay naging pangunahing tauhan sa pagdadala kay Duterte sa The Hague, Netherlands.

Simula ngayong Pebrero 23, 2026 ang confirmation of charges hearing sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng libu-libong kaso ng extrajudicial killings sa ilalim ng drug war.

Sa kabila ng mga batikos mula sa mga tagasuporta ng dating pangulo, nanindigan si Torre na ang kanyang aksyon ay “call of duty” at hindi personal na laban. Kasabay nito, nagsagawa ng mga kilos-protesta ang ilang grupo sa labas ng ICC bilang suporta sa mga biktima ng drug war.

Ayon sa mga human rights advocates, ang pag-usad ng kaso ay mahalagang hakbang para sa hustisya ng mga pamilya ng mga biktima.