Pinabulaanan ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Faye Condez-de Sagon ang mga ulat na siya ay sangkot sa budget insertion controversy na iniuugnay kay dating Ako Bicol Party-List Rep. Elizaldy ”Zaldy” Co.
Sinabi ni de Sagon na ang mga paratang laban sa kanya at iba pang opisyal ng ahensya ay walang batayan at pinag-aaralan na nila ang posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga nagpakalat ng maling alegasyon.
Ayon kay de Sagon, nananatili silang nakatutok sa kanilang trabaho at pinapangalagaan ang transparency sa lahat ng procurement at proyekto sa DICT.
Tinukoy din niya na ang ahensya ay may P8.3 billion excess funds sa General Appropriations Act (GAA), kung saan P5 billion ay nagamit para sa Bayanihan SIM at mga proyekto ng DepEd free Wi-Fi, habang ang natitirang P3.3 billion ay nanatili sa treasury.
Dagdag pa ng DICT na ang P5 billion na nagamit nito ay maayos na naitala at maaaring masuri sa DICT website.
















