-- Advertisements --

Kinilala bilang pinakamayang tao sa Pilipinas si port magnate Enrique Razon Jr.

Ayon inilabas na Bilionaires’ List ng Forbes, nasa pang-175 na puwesto sa pinakamayamang taon sa buong mundo si Razon.

Mayroong kabuuang yaman si Razon na aabot sa $16.5 bilyon.

Nahigitan niya ang ilang mga tycoons gaya nina Ramon Ang, Lucio Tan at Manny Villar na siyang nanguna sa listahan ng Pilipinas noong 2025.

Sa listahan ngayong taon ay mayroong 3,428 na entries kung saan ito ay mahigit na 400 kumpara noong nakaraang taon.

Sa pinagsamang yaman ng lahat ng 3,428 na bilyonaryo ay aabot sa kabuuang $20.1 trillion na ito ay mas mataas na $4-T mula sa 2025.

Nakuha muli ni Elon Musk ang pinakamayamang tao sa buong mundo na may yaman na $839-B habang nasa pangalawang puwesto si Google founder Larry Page na yaman na $257-B at si Sergey Brin ay nasa pangatlong puwesto na may yaman na aabot sa $237-B.

Mayroong kabuuang 15 mga Filipino ang kasama sa listahan ng Forbes.

Ang 72-anyos na si Ang ay nasa pang 1,189 na puwesto na may yaman na tinatayang $3.6-B; habang ang 91-anyos na si Lucio Tan ay nasa 1,223 na puwest na mayroong yaman na aabot sa $3.5-B at ang 76-anyos na si Villara y nasa 1,376 na puwest na may yaman na tinatayang $3.1-B.

Nasa pang-1676 na puwesto naman ang 72-anyos na si Henry Sy Jr , habang ang 70-anyos na si Hans Sy na nasa 2,274 puwesto na mayroong $1.8-B; ang 69-anyos na si Herbert Sy ay nasa 2,274 na puwesto na may yaman na $1.8-B; at ang 66-anyos na si Harley Sy ay nasa 2,386 na may $1.7-B at ang 74-anyos na si Andrew Tan ay nasa 2,386 na puwesto na may yaman na $1.7-B.

Ang 71-anyos na si Lucio Tan ay nasa 2,481 na puwesto na mayroong $1.6-B ;nasa pang 2,481 na puwesto si Teresita Sy-Coson na may yaman na $1.6-B; nasa 2,600 na puwesto naman ang 73-anyos na si Elizabeth Sy na may yaman na aabot sa $1.5-B.

nasa pang 2,600 na puwesto ang 68-anyos na si Susan Co na may yaman na $1.5-B ; ang 73-anyos na si Tony Tan Caktiong ay nasa pang 3,285 na puwesto na may yaman naaabot sa $1.1-B at nasa 3,332 na puwesto si Eusebio Tanco na may yaman na aabot sa $1-B.