Ibinaba ng Senate impeachment court ang pasya na hindi na kailangang magprisinta ng mga saksi o ebidensya ang kampo ng depensa ni Vice President Sara Duterte ukol sa mga usapin ng confidential funds, bribery, at grave threats kasunod ng pag-apruba sa pagbawi ng prosecution sa tatlong artikulo.
Una rito, marami ang nagulat nang ianunsyo ni lead prosecutor Rep. Gerville Luistro ang pagbawas sa tatlong artikulo at tanging ang isyu na lamang ng “unexplained wealth” ang kanilang ipupursige.
Ipinaliwanag ni Presiding Officer Chiz Escudero na hindi na isusumite sa mga senator-judge ang tatlong binawing artikulo para sa anumang pagboto o hatol, kaya’t walang dahilan upang pasubalian pa ng depensa ang mga akusasyong hindi na desidido ang hukuman na sentensyahan.
Dahil dito, ang Article II na lamang ukol sa diumano’y yaman ng bise presidente ang natitirang usapin na susuriin at pagdedesisyonan ng impeachment court.














