Inilarawan ni Atty. Sheila Sison, lead defense counsel ni Vice President Sara Duterte, bilang “Unbelievable and unacceptable” ang naging pahayag ni House lead prosecutor Gerville luistro na mayroon pang ibang plataporma ang depensa upang maipahayag ang panig ng Bise Presidente.
Ayon kay Sison, hindi makatarungang sabihin sa respondent na maaari na lamang niyang gamitin ang ibang plataporma matapos ilahad ng prosekusyon sa loob ng 38 araw ang mga testigo at dokumentong, ayon sa depensa, maaaring makasira sa reputasyon ni Duterte.
Giit ni Sison, hindi sapat na sabihing para sa publiko at upang mapabilis ang paglilitis ang pag-withdraw ng prosekusyon sa tatlong articles of impeachment matapos mailahad ang mga paratang at ebidensiya nito.
Binigyang-diin ng abogado na nasa prosekusyon ang desisyon kung paano nito itutuloy ang kaso, ngunit magpapatuloy naman ang depensa ayon sa estratehiyang sa tingin nito ay nararapat.














